Mister itinumba sa loob ng bahay
MANILA, Philippines - Utas ang isang 56-anyos na driver nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginaÂgamot sa Gat Andres BoniÂfacio Memorial Medical Center (GABMMC) si Jose Jarabece, ng Batang Bayani 1-A -5, Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area.
Wala pang natutukoy na responsable sa krimen o motibo sa pamamaslang.
Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang naÂsabing pamamaril sa loob ng bahay ng biktima.
Sa pahayag ng misis ng biktima, na kinilalang si Basilia, 46, bigla na lamang umanong pumasok ang isang armadong lalaki sa kanilang bahay at pinaulanan ng bala ang kaniyang asawa na nakaupo sa loob. Nang bumulagta ay mabilis nang tumakas ang suspek.
Nagpasaklolo naman sa mga kapitbahay ang ginang kaya naisugod sa pagamutan ang biktima subalit bandang alas- 4:53 ng madaling araw ay nalagutan na ito ng hininga.
- Latest