Trader ninakawan, pinatay

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang pinaniniwalaang pinatay matapos na pagnakawan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa kanyang  bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Ponciano Ramirez, 66, ng Gen. Luis St., Bagbaguin ng naturang lungsod.

Base sa ulat, hindi na nakita  kamakalawa pa ang biktima sa kanyang carwash sa nasabing lugar.  

Nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa tinutulugan nito sa loob ng pag-aaring Heaven Line Manpower Agency na tadtad ng pasa sa buong ka­tawan. Magulo rin sa loob ng opisina na hinihinalang pinagnakawan.

Ipinaalam ng mga trabahador sa mga kaanak ng biktima ang napansin kung kaya’t  agad na nagsagawa ng  imbestigasyon.

Patuloy namang na­ngangalap ng ebidensiya ang pulisya upang matukoy ang mga salarin.

Show comments