Driver nagbigti sa CR

MANILA, Philippines - Isang drayber ang natagpuang patay habang nakabigti sa isang comfort room sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Renato de Jose, 52, may-asawa, ng 86 Colossal Interior, Brgy. Apolonio Samson.

Ayon kay PO1 Julius Bal­buena, wala naman umanong makitang da­hilan ang pamilya kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Sa imbestigasyon, ganap­ na alas-2:45 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng CR na matatagpuan sa #34 Francisco Compd., sa naturang Barangay.

Ayon sa saksing si Arnel Agustin, kukuha sana siya ng tubig sa banyo nang makita niya ang biktima na nakabigti sa loob gamit ang kulay asul na nylon cord at nakapulupot sa leeg nito.

Agad nitong ipinabatid ni Agustin sa mga otoridad ang insidente. (Ricky T. Tulipat with Vanessa May Linsangan)

Show comments