^

Metro

Bernice Lee nagpiyansa sa kasong grave coercion

Lordeth Bo­nilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpiyansa kahapon sa kasong grave coercion sa Taguig City Metropolitan Trial Court (MTC) si Bernice Lee, ang isa sa mga akusado nang pambubugbog sa TV host at aktor na si Vhong Navarro.

Nabatid na ala-11:00 ng umaga, dumating si Bernice sa sala ni Judge Bernard Bernal­, Taguig City MTC, Branch 74 kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at abogado nitong si  Atty. Howard  Calleja.

Naglagak  ng  halagang P12,000 si Bernice bilang piyansa nito sa kasong grave coercion na kinakaharap nito. Si Bernice ay kapatid ni Cedric, isa sa tinuturing na principal na akusado sa pang­gugulpi kay Navarro noong Enero 22, ng taong kasalukuyan.

Napag-alaman na si Bernice ay dinakip ng mga ta­uhan ng NBI sa bahay nito sa Greenhills, San Juan ma­tapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Bernal.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag si Bernice at  muli itong bumalik sa tanggapan ng NBI para asikasuhin naman ang release order nito.

Napag-alaman pa rin na si Bernice ay hindi kasama sa mga ipinaaaresto ng Taguig City Regional Trial Court (RTC), Branch 271 hinggil sa kaso naman  ng serious­ illegal detention.

Subalit masusing pinag-aaralan ng DOJ na maghain ng motion para maisama sa arrest warrant si Bernice at kasamahan pang si Jose Paolo Calma.

BERNICE

BERNICE LEE

JOSE PAOLO CALMA

JUDGE BERNAL

JUDGE BERNARD BERNAL

NAPAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN JUAN

SI BERNICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with