Pacman bumisita kay Erap
MANILA, Philippines - Bumisita kahapon sa Manila City hall ang tinaguriang Boxing Champion na si Manny Pacquiao kung saan hindi magkamayaw ang mga empleyado at mga nagsasagawa ng transaksiyon.
Ayon kay Pacquiao, masaya siya sa kanyang pagbisita sa tanggapan ni Manila Mayor Joseph Estrada kasama sina Vice Mayor Isko Moreno at mga miyembro ng city council.
Bagama’t masakit pa ang kanyang sugat sa kaliwang kilay sinabi ni Pacquiao na hindi niya nararamdaman ito dahil sa suporta ng kanyang mga kapwa Pilipino.
Sinabi naman ni Estrada, na malaking karangalan ang dinala ni Pacquiao sa bansa kung kaya’t dapat lamang siyang purihin at pasalaÂmatan. Aniya, tiwala naman siya kakayahan ni Pacquiao kaya’t alam niyang manaÂnalo ito kay Timothy Bradley.
- Latest