^

Metro

Duelo sa Biyernes Santo: 1 patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang miyembro ng “Batang City Jail” (BCJ) dahil sa tinamong saksak sa  dibdib nang makipagduwelo sa karibal nito sa kina­kasamang guest relation officer (GRO), na miyembro naman ng “Commando gang”  sa Tondo, Maynila, madaling-araw ng Biyernes Santo.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center subalit nala­gutan ng hininga  ang biktimang si Lincoln Valerio, 40, ng 2119 Molave st., Tondo, Manila dahil sa tinamong tama ng saksak sa dibdib.

Bagama’t itinakbo rin sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC)  ang suspek na si Alejandro Magno, 34, ng #725 Int. 44 Laong Nasa St., Tondo, hindi na ito inabutan ng mga rumes­pondeng awtoridad upang arestuhin matapos umanong lumagda ng waiver na hindi na magpapa-confine.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:20 ng madaling-araw  nang maganap ang paghaharap ng dalawang magkaribal sa Molave St., Tondo.

Nag-ugat ang insidente nang may mabalitaan ang biktima hinggil sa pakikipagrelasyon ng suspek sa kanyang live-in partner na si Mary Grace Raymundo, 27. Kinumpronta muna ng biktima ang babae kung bakit nakikipagrelasyon sa suspek habang siya ay nakakulong sa Manila City Jail.

Sumunod na mga pangyayari ay ang pagsugod na ng biktima sa bahay ng suspek, habang armado ng itak  subalit hindi natagpuan.

Nang mabalitaan ng suspek ang ginawa ng biktima, bitbit naman ang balisong na sinugod din ang huli  subalit pansamantalang naawat pa sila ng isang Rosemarie Layno. Nang papaalis na umano ang suspek ay aatakehin na muli siya ng biktima kung kaya muling nagpang-abot sila at nagsaksakan.

ALEJANDRO MAGNO

BATANG CITY JAIL

BIYERNES SANTO

DENNIS TURLA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LAONG NASA ST.

LINCOLN VALERIO

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with