Taxi driver ‘nangholdap’ ng pasahero, arestado
MANILA, Philippines - Arestado ang isang tsuper nang taxi matapos itong ireklamo ng panghoholdap ng kanyang mga pasaÂhero kahapon sa Pasay City.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Rogelio Valencia, Jr., residente ng Maligaya II, Pacita Complex, San Pedro, Laguna.
Ang mga complainant naman ay nakilalang sina Marvin Villanueva; John Ezra Gamalinda at Jervie Mempin.
Sa ulat ni SPO1 Evaristo Sarang-ey, ng Station InvesÂtigation Section ng Pasay City Police, nabatid na galing ng Agusan del Sur ang tatlo at patungo na sa terminal ng Five Star Bus, Aurora BouleÂvard ng naturang lungsod mula sa NAIA terminal 3 pauwi sa San Ildefonso, Bulacan pasado alas-12:00 ng tanghali nang lapitan ni Valencia at inalok na sa kanyang taxi na sumakay.
Pumayag naman ang mga biktima, subalit nagulat sila dahil may kasama pa umanong isa pang lalaki ang taxi driver at sinabing makiÂkisabay lamang ito pauwi.
Pumayag naman ang mga complainant, subalit pagdaÂting sa bus station ay siningil na sila ng P1,700 gayung malapit lamang ang lugar mula sa NAIA Terminal 3.
Hindi sana magbabaÂyad ang tatlo, subalit tinakot umano sila ni Valencia kaya’t napilitan silang ibigay ang naÂturang halaga bago ipinasiÂyang magÂsuplong sa Maricaban Police Community Precinct (PCP) na ilang metro lamang ang layo sa terminal ng bus.
Nadakip naman ng pulisya si Valencia sa parking lot ng NAIA Terminal 3, subalit wala na ang isa pang kasama nito na umano’y kasabwat sa modus operandi. Kasong robbery, coercion, contracting passengers at illegal use of plates ang isinampa ng pulisya laban kay Valencia sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Bagamat, inamin ng suspek na kinontrata niya ang tatlo, todo tanggi ito na hinoldap niya ang mga comÂplainant.
- Latest