MANILA, Philippines - Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Taguig City Metropolitan Trial Court laban kina Cedric Lee; Deniece Cornejo at lima pang kasama nito hinggil sa kasong pambubugbog sa actor/TV host na si Vhong Navarro.
Nabatid na noong nakalipas na Biyernes nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Bernard Bernand, ng Branch 74, Taguig City Metropolitan Trial Court laban kina Cedric; Cornejo; Bernice Lee; Simon Raz; Jose Paulo Gregorio Calma; Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez kaugnay sa kasong grave coercion na naisampa laban sa mga ito sa naturang sala.
Iba ito sa kasong serious illegal detention na nakasampa naman sa sala ni Judge Paz EzpeÂranza Cortes, ng Taguig City Regional Trial Court, Branch 271.
Kinumpirma rin ito ni Justice Secretary Leila de Lima kasabay ng pagÂÂsasabing ang kasong grave coercion ay isang bailable offense kung saan pinapayagan ang resÂpondent sa kaso na magpiyansa ng P12,000 bawat isa.
Bukas naman ay magkakaroon ng pagdinig hinggil naman sa kasong serious illegal detention.