MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos maatrasan at ma-sandwich ng dalawang truck habang nagÂlilinis ito sa Caloocan City kahapon.
Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center sanhi ÂÂÂng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Aldrin Acantilado, 45, ng Torcillo St., Dagat-Dagatan ng naturang lungsod.
Nakakulong naman sa Caloocan City Traffic Bureau si Rey Integro, 26, driver ng Isuzu Forward (RFF-733).
Lumalabas sa ulat ng pulisya, naganap ang inÂsidente alas-9:00 ng umaga sa Torcillo St., ng naturang lungsod habang naglilinis ang biktima sa harapan ng isa pang truck sa nabanggit na lugar nang biglang maatrasan ito nang minamanehong truck ni Integro dahilan upang ma-sandwich ang una. Agad itong isinugod sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.
Ayon sa suspek, nagkaroon ng diprensiya ang kanyang dalang truck at sa halip na umabante ay biglang umatras at dahil pababa ang kalsada ay naging malakas ang pagsalpok sa biktima.