Beybi natusta sa sunog
MANILA, Philippines - Patay ang isang taong gulang na batang babae, makaraang madamay umano sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Bagbag, lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Sa ulat ni Supt. Jesus Fernandez, fire marshal ng Quezon City Fire Station, nakilala ang nasawi na si Charlot Margot Dela Cruz, matapos maiwan sa loob ng naglalagablab nilang bahay sa may King Nicholas St., Malolis Ville Subdivision, Brgy. Bagbag, alas-3:23 ng hapon.
Diumano, iniwan sandali ng kanilang nanay ang sanggol at ang dalawang kapatid nito na 10-anyos at 4-anyos para mamalengke, kung kaya nang sumiklab ang sunog naiwang mag-isa ang biktima sa loob. Sinasabing nasa trabaho ang tatay ng biktima nang mangyari ang sunog. Dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang maÂdamay ang iba pang kadikit na bahay. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog kung saan isa sa kapatid ng nasawi ang nasugatan din.
Samantala, sugatan din ang isang sanggol matapos na magtamo ng paso nang sumiklab ang isang sunog, kahapon ng umaga sa ilalim ng Quezon Bridge sa Quiapo, Manila kahapon ng umaga. Nagsimula ang sunog dakong alas-8:05 ng umaga sa squatters area sa ilalim ng tulay na sakop ng Brgy. 306. Tinatayang aabot naman sa 50 kabahayan ang natupok matapos umanong magsimula sa bahay ng isang Alex Atong.
Umabot sa 5th alarm ang sunog at idineklarang under control dakong alas-8:38 a.m. Nagdulot din ito ng matinding traffic matapos na maapektuhan ng sunog.
- Latest