Pangatlong rape case, iniharap vs Vhong Navarro

Vhong Navarro

MANILA, Philippines - Isa pang babae na dumo-‘double’ sa isang telenovela ang nagharap din ng kasong rape laban sa actor comedian na si Vhong Navarro  sa Quezon City Prosecutor’s Office,  kahapon ng umaga. 

Sa apat na pahinang reklamo ng complainant na ipinatago ang pangalan, naganap ang umano’y panghahalay sa kanya sa loob ng sports utility vehicle ni Navarro (SUV) habang naga­ganap ang taping ng telenovela kung saan dumo-‘double’ o pumapalit sa mga artista lalo na sa mga delikadong eksena ang una noong nakalipas na 2009.

Ayon sa reklamo, sinabi ng biktima na sinabihan anya siya ng  driver ng aktor na pumasok siya sa loob ng SUV na sasakyan ni Navarro dahil nais umano siyang kausapin ng aktor habang break pa ng taping.

Nabatid pa sa complainant  na habang nasa loob umano siya ng sasakyan, pinuwersa umano siya ng aktor na magsa­gawa ng oral sex sa huli.

Idinagdag pa ng complainant na nag-masturbate umano sa kanyang harap si Navarro at pinagbantaan na kakagatin ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi pa umano nagkasya ang aktor at ipinasok pa umano nito ang kanyang kamay sa loob ng shorts ng biktima at ipinasok ang kanyang daliri sa ari ng complainant.

Hindi umano binanggit ng complainant sa ibang tao ang nangyari sa kanya dahil sa takot at kahihiyan sa sarili.

Makalipas ang ilang araw, naipagtapat lamang umano ng complainant ang nangyari sa kanyang panghahalay sa kanyang matalik na kaibigan.

Ngayon lamang nakapagharap ng reklamo ang com­plainant laban sa aktor dahil nahikayat umano siya sa iba pang mga kababaihan na naunang nagsampa ng kaso laban dito.

Una nang nagsampa ng rape kay Navarro si Denice Cornejo at  si Roxanne Cabañero.

Show comments