Salvage victim natagpuan sa QC

File photo

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa lungsod ng Quezon ngayong Huwebes ng umaga.

Nakahandusay sa sahig ang walang buhay na katawan ng hindi pa nakikilalang biktima ng matagpuan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue.

Ginilitan ang leeg ng biktima at nakakitaan din ng marka ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Hinala ng mga awtoridad na miyembro ng Batang City Jail gang ang biktima base sa tattoo sa katawan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives ng Quezon City Police District.

Show comments