MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi, kabilang ang isang 68-anyos na lola at dalawang apo nito sa sunog na naÂganap dahil sa napabayaang gaÂsera kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.
Kinilala ni Chief InsÂpector Maslang, ng Taguig City Fire Department ang mga nasawing biktima na sina Zenaida Delos Santos; ang mga apo nitong sina Roniel delos Santos, 8; at Ariana delos Santos, isang taong gulang, na magdiriwang dapat ng kaarawan niya kahapon.
Natagpuan ang bangkay ng mga biktima na nakasama sa nasunog nilang bahay sa Paco St., Coco Hills, Brgy., Bagumbayan ng naturang lungsod.
Kayakap pa ni ZeÂnaida si Ariana, samantalang si Roniel ay katabi naman ng kanyang lola.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni SFO2 Pedrito Polo, alas-12:08 ng madaling-araw nakarinig ng pagsabog mula sa unang palapag ng bahay ng pamilya Delos Santos.
Dahil walang kuryente ang mga ito kung kaya’t naiwang nakasindi ang gaÂsera dahilan upang kumalat ang apoy na humantong sa ikatlong alarma.
Tinatayang umabot sa P100,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo at alas-12:55 idineklarang kontrolado ang sunog. Bahagya lamang sa kalapit bahay ang nadamay.
Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.