Lola, 2 apo utas sa sunog sa Taguig

MANILA, Philippines - Napabayaang gasera ang hinihinalang sanhi ng sunog sa lungsod ng Taguig ngayong Miyerkules kung saan tatlo ang patay.

Nakilala ang mga biktimang sina  Zenaida delos Santos, 68, at kanyang dalawang apo na si Roniel, 7, at Ariana, 1.

Hindi na nakagawang makalabas pa ng mga biktima sa nasunog nilang bahay dahilan upang masawi sila.

Nadamay din sa sunog ang katabing bahay nila.

Ala-una na ng madaling araw nang maapula ng mga bumbero ang sunog.

Show comments