^

Metro

Piston ‘di susunod sa puwersahang fare hike sa jeep

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi suportado ng militanteng grupong Piston ang hakbang ng isa pang grupong Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na pagtataas ng minimum fare sa jeep kahit walang basbas ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni Piston national president George San Mateo ngayong Lunes na ayaw nilang mapasama ang imahe ng mga tsuper sa paniningil ng karagdagang P.50 sa minimum fare kahit na hndi ito inaprubahan ng LTFRB.

“Hindi tayo maaaring gumaya sa hakbang na iyon,” wika ni San Mateo sa isang panayam sa radyo. “Magdudulot ito ng away sa pagitan ng mga tsuper at ng mga pasahero.”

Kaugnay na balita: Taas singil sa jeep ibinasura ng LTFRB

Dagdag niya na kinakailangan pa rin ng basbas mula sa LTFRB bago magtaas ng pamasahe.

Aniya, isa itong hakbang na dagdag pasanin sa publiko kaya naman isinusulong nila ang diskwento sa presyo ng diesel.

 Nais ng Piston na magkaroon ng P6 diskwento ang lahat ng public utility drivers sa halaga ng diesel.

“Gusto natin matulungan ang mga driver without passing the burden sa mga mananakay,” paliwanag ni San Mateo.

Naunang sinabi ng grupong ACTO na sisimulan nilang maningil ng P8.50 na minimum fare ngayong Lunes kahit na ibasura ng LTFRB ang kanilang petisyon.

Nagbabala naman ang LTFRB na maaaring makansela ang prangkisa ng mga jeep na magpapatupad nito.

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATIONS

ANIYA

DAGDAG

GEORGE SAN MATEO

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

LTFRB

MAGDUDULOT

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with