MANILA, Philippines - Hindi na pinapayagan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRBÂ) na makapasada pang muli ang 23 unit ng bus ng Southern Carrier Company Inc. makaraang masangkot ang isa nitong bus sa aksidente sa South Luzon Expressway noong nagdaang Lunes.
Sa aksidenteng ito, mahigit 20 katao ang naÂsugatan kabilang ang isang ginang na naputulan ng kamay nang tumagilid ang isang bus ng naturang kompanya sa bahagi ng SLEX sa may Sta. Rosa City, Laguna.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines , tuluyan nang kinansela ang franchise ng 23 unit ng Southern Carrier matapos hindi makumbinsi ng kompanya ang ahensiya na mapagbigyan pa ito ng isang pagkakataon at mapalawig ang operasÂyon matapos maganap ang naturang aksidente.