Karibal sa pag-ibig, dinedo ng pulis

MANILA, Philippines - Isang manhunt operation ang inilunsad ng Manila Police District laban sa isang   opisyal ng Angono Police makaraang barilin at mapatay ang  live-in partner ng kaniyang dating nobya, nang sugurin ang bahay ng mga ito  sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi si  Rizalino Ragel, ng  Lerma, Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib. Nabatid na dakong alas-10:45 ng gabi kama­kalawa nang sumugod umano ang suspek na si Senior Inspector Bricks Reamillo sa tinutuluyang bahay ng biktima at ni Loreta Ocener, alyas “Attorney”, 45, dating­ nobya ng suspect.

Narinig na lamang umano ni Ocener ang boses ni Reamillo na sumisigaw sa kanilang pintuan at pinabubuksan ito. Nang hindi niya umano buksan ay puwersahan itong binuksan ng pulis  at  hinarap ang bagong karelasyon ni Ocener at saka binaril.

Matapos barilin ang biktima ay kinaladkad umano si Ocener palabas ng bahay at pilit na isinasama subalit  nakakuha ng tiyempo si Ocener na itulak ang nasabing pulis at tumakas. Binalikan niya ang biktimang duguan at isinugod sa ospital. Umamin si Ocener sa mga awtoridad na marami na siyang natatanggap na pagbabanta mula sa suspek sa pamamagitan ng text messages at nais umanong bumalik na siya sa piling nito. Dahil sa sobrang selos ay hindi na umano marahil napigilan ng suspek na sadyain sa bahay ang da­lawa sa tangkang pagbawi kay Ocener, na ayaw na umanong makipagbalikan.

 

Show comments