Scavenger nagbigti sa puno

Nagbigti sa isang puno sa center island sa may Araneta Avenue­, Brgy. Siena sa lungsod Quezon si Roger Amores, 23, kahapon ng umaga na gumulantang sa mga dumaraan sa lugar na mga motorista. (Kuha ni Boy Santos)  

MANILA, Philippines - Dala umano ng labis na problema, isang manga­ngalakal ng basura ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa isang puno sa center island sa Araneta Avenue  sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Si Roger Amores, 23, ay nakita  na lamang na nakabitin sa puno ng kanyang kinakasamang si Mary Grace Maceda, ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas- 4 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabiting katawan ng biktima sa isang puno na matatagpuan sa center island ng Araneta Avenue, Brgy. Siena, sa lungsod.

Sinasabing ang dalawa ay may munting kariton na nagsisilbi nilang bahay sa nasabing lugar at ginagamit naman  nila sa pangangalakal ng basura.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

Show comments