Scavenger nagbigti sa puno
MANILA, Philippines - Dala umano ng labis na problema, isang mangaÂngalakal ng basura ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa isang puno sa center island sa Araneta Avenue sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Si Roger Amores, 23, ay nakita na lamang na nakabitin sa puno ng kanyang kinakasamang si Mary Grace Maceda, ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas- 4 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabiting katawan ng biktima sa isang puno na matatagpuan sa center island ng Araneta Avenue, Brgy. Siena, sa lungsod.
Sinasabing ang dalawa ay may munting kariton na nagsisilbi nilang bahay sa nasabing lugar at ginagamit naman nila sa pangangalakal ng basura.
Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.
- Latest