Fetus bumara sa inidoro

MANILA, Philippines - Natuklasang fetus ang sanhi sa pagbabara ng inidoro sa isang paupahang apartment sa Binondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt Raymund Liguden, hepe ng MPD-Station 11, dakong alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ang tinatayang 5-6 na buwang lalaking fetus sa loob ng common comfort room ng isang apartment na mata­tagpuan sa C.M. Recto Avenue corner Buenavidez St., Binondo, Manila.

Nabatid umano sa boy ng nasabing apartment na si Regie­ Almodiel, 29, agad niyang inayos ang reklamo ng ilang tenants­ hinggil sa baradong inidoro at doon niya nadiskubre ang nakabarang fetus na nakasilid pa sa isang plastic bag.

Iniimbestigahan pa ang posibleng suspek na naglaglag ng anak.

Show comments