^

Metro

P7-M pirated DVD nasamsam

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 60 sako ng mga piniratang DVD na nagka­kahalaga ng P7 milyon ang nakumpiska mula sa 15 tindahan matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa­ ng Makati City Police at  Optical Media Board ang isang shopping mall sa Makati City kahapon.

Nabatid kay OMB Chairman Ronnie Ricketts, alas-2:45 ng hapon nang salakayin ang ikalawang palapag ng Makati Cinema Square sa Chino Roces Avenue ng nasabing lungsod katuwang ang mga tauhan ng Makati Anti-Drug Abuse Council sa pamumuno ni Police Supt. Magnos Sanchez.

Ang pagsalakay sa naturang shopping mall ay isinagawa nang makatanggap ang mga awtoridad na ang mga may-ari ng tindahan ay muling nagbalikan at nagbebenta ng mga piniratang mga DVD.

Bahagyang nagkaroon ng komosyon matapos patayin ang ilaw sa buong mall.

Sinabi ni Ricketts na nasa 15 tindahan na nagbebenta ng mga piniratang DVD  ang kanilang naipasara nang isagawa nila ang serye ng pagsalakay.        

Bukod pa aniya rito, nagsagawa rin sila ng pagsalakay sa lugar ng Baclaran at Divisoria na kung saan libu-libong sako ang kanilang nakumpiska.

 

CHAIRMAN RONNIE RICKETTS

CHINO ROCES AVENUE

DRUG ABUSE COUNCIL

MAGNOS SANCHEZ

MAKATI CINEMA SQUARE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with