2 opisyal ng NBI, sinibak sa puwesto
MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ang dalawang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang mga inalis sa puwesto ay sina Deputy Director for Intelligence Services Reynaldo Esmeralda at Deputy Director for Special Investigation Services Ruel Lasala.
Nabatid na kaagad ding nagtalaga si Pangulong Noynoy Aquino ng kapalit nila, kasabay ng pagtatalaga ng apat na bagong deputy director ng NBI.
Itinalaga si Atty. Edward Villarta bilang Deputy DiÂrector for Forensic Investigation Service. Ang posisyon na kanyang hahawakan ay pinalitan ng pangalan mula sa pagiging Deputy Director for Technical Services na dating pinamunuan ng nagÂretirong si Deputy Director Rickson Chiong.
Si Atty. Ricardo Pangan Jr. ay itinalagang kapalit ni Esmeralda na hinirang na bilang Deputy Director for Investigation Service; si Atty. Antonio Pagatpat na pumalit kay Lasala ay hinirang din bilang Deputy Director for Financial Services; at Jose Doloiras na hinirang bilang Deputy Director for Intelligence Service.
Samantala, ang kasalukuyang Deputy Director CompÂtroller Services Rafael Ragos ay hinirang bilang Deputy Director Regional Operations Service.
Mananatili naman sa kanyang pwesto si Deputy Director for Administrative Service Edmundo Arugay. Wala pang pormal na pahayag sa dahilan ng pagkakasibak nina Lasala at Esmeralda.
Una nang itinanggi kamakalawa nina Lasala at Esmeralda na tumanggap ng bahagi sa sinasabing P366-milyong pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), noong huling tatlong taon sa panunungkulan ni dating Pangulong Arroyo. Nabatid na nagsumite ng liquidation report sa Sandiganbayan ang dalawa kaugnay sa nabunyag na pondo ng PCSO. Si Lasala ay sumalang na sa Sandiganbayan noong Marso 5 at kamakalawa naman si Esmeralda.
Iginiit ni Lasala na ang nasabing pondo ng NBI ay nagmula sa national budget at hindi sa PCSO.
Nabatid na si Lasala at Esmeralda ay isinangkot sa umano’y pagtanggap ng kabahagi sa kinukuwestiyong hindi tamang paggasta sa P366 milyon intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).
- Latest