Killer ng fashion designer, kinasuhan

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kaso ng Makati City Police ang isang master cutter na pumatay at nagnakaw sa isang fashion designer.

Kasong robbery with ho­micide ang isinampang kaso ng pulisya sa Makati City Prosecutors laban sa suspek na si Rogelio Aquiat.

Nabatid na si Aquiat ay nadakip ng pulisya sa isang follow-up operation matapos nitong patayin at pagnakawan ang biktimang si Kenneth Chua mismo sa tinitirhan nitong apartment sa Dayap St., Barangay Palanan ng naturang lungsod.

Katwiran ng suspek, wala aniya siyang balak patayin si Chua, subalit nanlaban ito dahilan upang tuluyan ito.

Si Chua ay fashion designer ng ilang beauty queen at ilang talent ng ABS-CBN, na natagpuang duguan at wala nang buhay noong Martes, alas-11:00 ng umaga­ mismo sa tinitirahan sa nabanggit na lugar.

Show comments