^

Metro

6,000 Cytotec nakumpiska sa raid

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 6,000 piraso ng Cytotec ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng  Manila Police District-District Police Intelligence and Ope­rating Unit (DPIOU) at District Anti-illegal Division sa  ginawang pagsalakay sa isang  business establishment sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Sr. Supt. Villa­mor Tuliao, hepe ng  District Intelligence Division, ang bahay ni Gloria Nigado, 55,  sa Life Arcade ay pinasok ng mga awtoridad matapos na makatanggap ng impormasyon na nagsasagawa ito ng re-packing ng nasabing gamot.

Kasama  sina Chief Insp. Anthony Ananayo, hepe ng DAID at Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng Plaza Miranda sinalakay ng mga ito dakong ala-1 ng hapon ang  lugar na sinasabing ma­tagal nang nagsasagawa ng re-packing at bentahan ng pampalaglag na gamot sa palibot ng  Quiapo church.

Bukod sa Cytotec, nakita rin ang iba’t ibang uri pa rin ng gamot na pinaniniwalaang  ibinebenta sa mas mababang halaga. Nakakuha rin ang mga awtoridad ng 800 viagra.

Nangangamba rin ang mga awtoridad na posibleng  may masamang epekto ang mga gamot na nasabat lalo pa’t wala ito sa tamang packaging­.

ANTHONY ANANAYO

CHIEF INSP

CYTOTEC

DISTRICT ANTI

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

GLORIA NIGADO

LIFE ARCADE

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE AND OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with