Operasyon vs illegal parking, terminal isinagawa

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na hindi nila tatantanan ang kanilang  operasyon laban sa mga illegal  parking at terminal sa iba’t ibang  lugar sa lungsod.

Ang paniniyak ni Moreno ay bunsod na rin ng  araw-araw na operasyon ng kanyang tanggapan  at ng  Manila  Traffic and  Parking Bureau sa pamumuno ni  director Carter Don Logica.

Ayon kay Moreno, indikasyon lamang ito na hindi lamang mga truck at bus ang kanilang pinag-iinitan  sa pagpapaluwag ng mga kalsada sa lungsod.

Binigyan diin ni Moreno na sinsero siya sa pagpa­patupad ng kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada  na linisin ang lungsod para na rin sa ikabubuti  at ikauunlad ng Manilenyo.

Una nang sinabi ni  Moreno na  hindi sila titigil hangga’t hindi nadidisiplina ang mga motorista gayundin ang mga lumalabag sa batas.

Kabilang sa mga nilinis ni Moreno mula sa illegal parking at illegal terminal  ang Taft Ave., Padre Faura, United Nations, PGH, Se­verino Reyes cor Laguna St. sa  Blumentritt; Reina Regente sa Binondo; Alvarez St. cor P. Guevarra;  Agocillo St.; Gen. Luna cor UN Ave.; Solis St. cor. Jose  Abad Santos; Blumentritt cor Aurora Blvd.; Lacson  St. malapit sa SM San Lazaro Romualdez St.; San Rafael cor H. Lopez; Aroceros St.;  Muelle de  Binondo; Muelle de Industria; San Nicolas; P. Ocampo; at sa harap ng LTO sa Tayuman.

 

Show comments