Operasyon vs illegal parking, terminal isinagawa
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na hindi nila tatantanan ang kanilang operasyon laban sa mga illegal parking at terminal sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Ang paniniyak ni Moreno ay bunsod na rin ng araw-araw na operasyon ng kanyang tanggapan at ng Manila Traffic and Parking Bureau sa pamumuno ni director Carter Don Logica.
Ayon kay Moreno, indikasyon lamang ito na hindi lamang mga truck at bus ang kanilang pinag-iinitan sa pagpapaluwag ng mga kalsada sa lungsod.
Binigyan diin ni Moreno na sinsero siya sa pagpaÂpatupad ng kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na linisin ang lungsod para na rin sa ikabubuti at ikauunlad ng Manilenyo.
Una nang sinabi ni Moreno na hindi sila titigil hangga’t hindi nadidisiplina ang mga motorista gayundin ang mga lumalabag sa batas.
Kabilang sa mga nilinis ni Moreno mula sa illegal parking at illegal terminal ang Taft Ave., Padre Faura, United Nations, PGH, SeÂverino Reyes cor Laguna St. sa Blumentritt; Reina Regente sa Binondo; Alvarez St. cor P. Guevarra; Agocillo St.; Gen. Luna cor UN Ave.; Solis St. cor. Jose Abad Santos; Blumentritt cor Aurora Blvd.; Lacson St. malapit sa SM San Lazaro Romualdez St.; San Rafael cor H. Lopez; Aroceros St.; Muelle de Binondo; Muelle de Industria; San Nicolas; P. Ocampo; at sa harap ng LTO sa Tayuman.
- Latest