^

Metro

Tanod na suspect sa pagpatay, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 34-anyos na ba­rangay tanod nang inguso na siyang pumatay sa isang pedicab driver noong nakalipas na Marso 3, sa Binondo, Maynila.

Dinakip ang suspek na si Joseph Alforque, sa Brgy. 293 Zone 228 at residente ng  Perla St.,Tondo,  Maynila habang nagti­tinda  sa harapan ng 999 mall sa Binondo.

Mismong ang ina ng biktimang si Genard Pangan, 23, pedicab driver ang tumawag sa mga miyembro ng Manila Police District upang ipahuli ang suspek dakong alas-2:30 ng hapon. 

Itinanggi ng suspek na siya ang bumaril at nakapatay kay Pangan.

Samantalang ang mga testigo naman ay nagsabing nakita nila ang suspek na tumatakbo at nakasuot ng kulay itim na helmet at jacket kasama ang isa pang lalaki na armado ng mga baril, matapos na barilin ang biktima dakong ala-1:20 ng madaling-araw noong Marso 3, habang nakaupo sa  panulukan ng Batangas at Kagitingan Sts. Tondo.

Alibi ng suspek, wala siyang alam dahil nang maganap ang nasabing pamamaril ay kasama niya sa isang inuman ang kanilang barangay chairman.

 

vuukle comment

BINONDO

GENARD PANGAN

JOSEPH ALFORQUE

KAGITINGAN STS

MANILA POLICE DISTRICT

MARSO

MAYNILA

PERLA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with