Korean tumalon mula sa Mandaluyong condo patay

MANILA, Philippines – Utas ang isang Korean national matapos umanong magpakamatay sa pagtalon mula sa isang condominium sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon sa ulat ng DZMM, nakilala ang biktimang si Jaek Young Han na tumalon umano mula sa ika-24 na palapag ng GA Towers ng Globe Asiatique Realty Holdings Corporation malapit sa Southbound ng MRT Boni Station sa kahabaan ng EDSA.

Nawalan ng kuryente sa naturang condominium matapos sumabit sa linya ng kuryente ang Koreano bago bumagsak sa kalsada ng EDSA.

Ayon sa girlfriend ng biktima, depresyon ang isa sa hinihinalang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang nobyong isang musikero.

Ani Lee Jung Ah na tatlong taon nang walang trabaho ang biktima at nitong Linggo ay may pinagtalunan sila,

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at hindi iniisantabi ang posibilidad na may foul play sa insidente.

Show comments