Motorsiklo salpok sa gutter: Rider lasog

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi habang sugatan naman ang angkas nito matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Darwin Fernandez, 32, habang ginagamot naman sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga sugat sa katawan ang angkas nitong si Leonidas Gestosani, 34 at kalugar ng nasawi.

Sa ulat ng Malabon City Traffic Bureau, naganap ang insi­dente  alas-2:00 ng madaling araw E. Rodriguez St., Santolan ng naturang lungsod habang angkas ng nasawi si Gestosani galing sa inuman sa Brgy. Malinta, Valenzuela City at pagsapit sa naturang lugar ay hindi nakontrol ni Fernandez ang preno ng motorsiklong minamaneho nito

Nagpagewang-gewang ang motorsiklo hanggang sa sumemplang at tumama ang ulo ng nasawi sa gutter at dahil walang suot na helmet ay halos mabiyak ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang ang angkas na si Gestosani ay dinala sa naturang ospital.

Show comments