Operasyon vs batang hamog, suportado ng transport group
MANILA, Philippines - Sinuportahan ng isang transport group ang walang tigil na operasyon ng pulisya laban sa mga barker at grupo ng batang hamog na sangkot sa mga krimen at naglalagi sa mga terminal ng mga pampasaherong jeep sa Pasay City.
Personal na nagtungo si Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) national president Efren De Luna sa tanggapan ni Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police upang ipaabot ang kanilang pagsuporta sa ginagawang pagdakip sa mga barker at batang hamog na karaniwang sangkot sa kaso ng snatching, salisi at panghoholdap.
Sinabi ni De Luna, kaisa sila ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan at kalinisan, lalo na sa mga terminal ng pampublikong sasakyan na karamihan ay pawang miyembro ng naturang transport group ang mga pumapasada.
Nabatid na sinimulan ng pulisya ang panghuhuli sa mga barker at sa mga batang hamog matapos ang magkakasunod na reklamo ng panghoholdap at snatching sa mga terminal ng pampublikong sasakyan na karamihan sa mga biktima ay mga kababaihang estudyante.
Ilang mga menor-de-edad naman na nadakip ng pulisya ang isinailalim na sa pangaÂngalaga ng Department of Social Welfare habang ang mga kabataang may nakabimÂbing kaso ay dinala sa Youth Center.
- Latest