Sunog nagliyab sa laboratoryo ng UST Hospital

MANILA, Philippines - Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng laboratory room sa University of Sto. Tomas Hospital sa Maynila bago magtanghali ngayong Martes.

Nagsimula ang sunog pasado 11 ng umaga sa laboratory room ng UST outpatient department na nasa ika-anim na palapag ng hospital building sa Sampaloc district.

Naapula na ng mga bombero ang sunog.

Hindi pa batid ang pinagsimulan ng sunog at kung gaano kalaking bahagi ng laboratory room ang tinupok nito.

Show comments