8 sasakyan inararo ng bus: 11 sugatan

MANILA, Philippines - Labing-isa katao ang nasugatan nang araruhin ng isang pampasaherong bus ang may walong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na tinaguri­ang ‘killer highway’ sa  Quezon City kahapon. 

Sinasabing ang passenger bus na Mayamy Transport ay rumampa sa center island ng Commonwealth Avenue pa­puntang Quiapo  at saka tumawid sa  kabilang lane  papunta ng Fairview  at dito nito niragasa ang may walong sasakyan.

Ayon sa traffic sector ng Quezon City  Police, matapos ito ay mabilis na tu­makas ang driver at konduktor ng na­turang bus.

Pinaka matindi naman ang tinamong sugat sa katawan ng isang motorcycle rider, isa sa walong sasakyan na inararo ng Mayamy Transport.

Dinala na sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan sa aksidente.Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidenteng nabanggit.

Show comments