^

Metro

Selos dahilan sa pagpaslang sa mag-ina sa BGC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip na ang suspek sa likod ng pagpaslang sa mag-inang natagpuang patay sa kahabaan ng C5 Road sa Taguig City malapit sa Treston International College sa Bonifacio Global City kagabi.

Selos ang tinitignang anggulo ng mga pulis na motibo sa pagpaslang ng suspek na tubong Zamboanga Del Norte na si Danny Belono na nasakote bandang alas-10 kagabi.

Nakilala naman ang mga biktimang sina Jonalyn Gantiao at apat-na-taong gulang niyang anak na si Gwen Angel na kapwa taga Mahogany Homes Mini-Park, Taguig City.

Kaugnay na balita: Bangkay ng mag-ina natagpuan sa BGC

Nasakote ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng Taguig City police.

Nakatulong sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang naging salaysay ng isang binatilyong testigo na nakitang magkakasama ang tatlo bago matagpuan ang bangkay ng mag-ina.

"The witness saw the woman who was holding the child, talking with the man while they were seating on the pavement gutter," pahayag kahapon ni Southern Police District (SPD) director  Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte.

Nakitaan ng sugat sa ulo si Gantiaw na hinala ng mga pulis ay nakuha sa paghampas ng matigas na bagay

May natagpuan ding bato na may bahid ng dugo malapit sa bangkay ng mga biktima.

BONIFACIO GLOBAL CITY

CHIEF SUPERINTENDENT JOSE ERWIN VILLACORTE

DANNY BELONO

GWEN ANGEL

JONALYN GANTIAO

MAHOGANY HOMES MINI-PARK

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

TRESTON INTERNATIONAL COLLEGE

ZAMBOANGA DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with