MANILA, Philippines - Kapwa nakakulong ngayon sa Pasay City Jail ang isang Chinese national at isang Tsinoy matapos mahulihan ng humigit-kumulang sa isang kilong shabu sa parking area ng isang hotel sa Pasay City noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Police Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, ang mga suspek na sina Peng Wang, 37 at James Oy, 29.
Ayon kay Ortilla, alas-7:30 ng gabi nagsagawa sila ng surveillance operation sa 4th floor ng parking area ng isang hotel sa Pasay City nang makatanggap sila ng tip hinggil sa illegal na operasyon ng mga suspek.
Nagresulta ito sa pagkakadakip sa dalawa kung saan nasamsam sa mga ito ang humigit- kumulang sa isang kilong shabu.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.