^

Metro

Kasambahay tusta sa Makati fire

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang 25-anyos na kasambahay matapos hindi makalabas sa nasunog na bahay sa Barangay South Cembo sa lungsod ng Makati ngayong Lunes.

Kinilala ni Senior Inspector Tito Purgatoryo ng Makati Fire Department ang biktimang si Cristine Zea.

Ayon sa imbestigasyon, hindi nakalabas ng kanyang kuwarto si Zea nang masunog ang tinutuluyang bahay sa panulukan ng kalyeng General Jacinto at General Luna.

Nagmula ang sunog ganap na 3:24 ng umaga dahil sa nag-overheat na wall fan, banggit ni Purgatoryo.

Umabot ang sunog sa ikaapat na alarma bago ito naapula ng mga bumbero ganap na 4:15 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

AYON

BARANGAY SOUTH CEMBO

CRISTINE ZEA

GENERAL JACINTO

GENERAL LUNA

KINILALA

MAKATI

MAKATI FIRE DEPARTMENT

NAGMULA

SENIOR INSPECTOR TITO PURGATORYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with