P1-M natupok sa sunog

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot  sa mahigit sa P1 milyon  mga ari-arian ang naabo at nasa  40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi.

Ayon sa Caloocan City Fire Department,  alas-6:15 ng gabi nang maganap ang sunog sa Malolos Avenue, Bagong Barrio ng naturang lungsod kung saan natupok ang 20 kabahayan.

Alas-7:50 ng gabi nang maapula ang apoy nang ru­mesponde ang mga bumbero at umabot sa P1.5 milyon  mga ari-arian ang  pinsala.

Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan kung saan inaalam na kung kanino at ano ang pinagmulan ng apoy.

 

Show comments