MANILA, Philippines - Planong kumuha ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng karagdagang 400 traffic aide para sa inaasahang pagbibigat pa ng trapiko dahil sa iba't ibang proyekto sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na tutulong ang mga kukuning bagong traffic aide sa kasalukuyang 2,000 traffic enforcers.
Pinaghahandaan ng MMDA ang pagbubuo ng Skyway 3 na magkokonekta sa South at North Luzon expressway at ang NAIA Expressway Phase 2.
Nais ni Tolentino na magkaroon ng karagdagang flagmen ang mga contractor ng bawat proyekto upang tumulong sa pagmamando ng trapiko.
â€Wishlist ko 400 pa. Kailangan namin siguro mga last quarter yung additional para sa may 15 infrastructure projects and sa bawat 15 projects may 50 flagmen galing sa proponent (contractor). Basically may 750 force multipliers pag nagdagdag ka ng 400, basically yun ang 1,150 - yun ang strength namin,†wika ni Tolentino.
Ilan pa sa mga proyektong gagawin ay ang Gil Puyat-Makati-Avenue-Paseo de Roxas underpass; Sta. Monica-Lawton Avenue bridge; CP Garcia Avenue-McKinley Hill ramp; pag-aayos at asphalt overlay sa Magallanes Interchange; EDSA-Taft Avenue flyover; MRT Line 3/ LRT Line 1 extension common station; LRT Line 2 East extension hanggang Masinag, Antipolo City; LRT Line 1 Extension (Cavite); EDSA- Roosevelt Ave. interchange; España Avenue-Lacson Avenue interchange; pagsasaayos ng South Superhighway Makati; NLEX-SLEX connector road; at ang EDSA-West Avenue-North Avenue interchange.
Kinakailangang nakapag-aral ng kahit dalawang taon sa kolehiyo ang mga aplikante ng MMDA.
"Yung handang maglingkod, na walang pnipiling oras gaya ng Osmeña Highway may deployment kahit madaling araw. Kailangan merong commitment kasi two and a half years na trabaho ito."