100 gramo ng shabu nakumpiska sa Parañaque

MANILA, Philippines - Tiklo sa sting operation ng mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng droga sa Parañaque City nitong kamakalawa.

Pinangalanan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Geronimo Tibay Jr., 54, ng Elvinda Village, San Pedro, Laguna matapos mabawian ng aabot sa 100 gramo ng droga.

Nasakote si Tibay matapos bentahan ang isang undercover agent ng shabu sa Service Road, Southbound, Sucat Interchange, Parañaque bandang alas-11 ng umaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o angComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Tibay.

Show comments