MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na mister ang nasawi matapos pagÂbaÂbarilin ng hindi pa nakikilaÂlang suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Sixto Bagasala Jr., ng Purok 6, Dulong Hernandez St., Barangay Catmon ng nasabing lungsod.
Ayon kay Police Insp. Marissa Santos ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Flovi Home 6, Barangay Tonsuya ng naturang lungsod nang pagbabarilin ito ng suspek.
Agad na namatay ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon matapos ang pamamaril
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa pamamaril.