Insentibo ng mga retiradong PhilPost employees aprub na
MANILA, Philippines - Maaari nang makuha ang ‘pabaon’ o insentibo ng may 1,931 mga nagretirong kawani ng Philippine Postal Corporation na napapaloob sa Executive Order 366 o Rationalization Plan ng gobyerno.
Ayon kay PostÂmaster General Josie dela Cruz, simula pa noong Pebrero 7, 2014, may pondo na ang nasabing second batch ng mga empleÂyadong nagboluntaryong magretiro kapalit ng insentibo.
Nai-release na umano ng Department of Budget and Management (DBM), sa pamamagitan ng Bureau of Treasury ang kaÂÂbuuang P667 milyon pondo para dito, na ipinamahagi na sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Payo niya, magtungo na lamang ang mga nasabing kawani sa nakakasakop na Area Office sa kanila upang makuha ang pabaon na ibinatay ang kwenta sa buwanang sahod, haba ng serbisyo at insentibo.
Nabatid na ang unang inilabas na pondo ay naipamahagi na sa 1st batch na umabot sa P516 milyon.
Umabot umano sa 3,300 mga kawani ng PhilPost ang nagretiro upang samantalahin ang mga benepisyo na ipinagkakaloob ng EO 366 simula nang ito’y ipatupad noong 2006, na sa panahon lamang ni PMG Dela Cruz ito naaprubahan ng DBM.
Ang Executive Order No. 366 ay nagtatakda sa lahat ng ahensya ng Executive Branch na magsagawa ng masusing review at reporma sa operasyon at organisasyon ng mga tanggapan.
Ayon kay Dela Cruz, mula sa orihinal na 1,000 kawani na nagpalista upang magretiro noong taong 2006 ay nadagÂdagan pa hanggang sa umabot sa 3,300.
- Latest