^

Metro

Trailer truck nasiraan sa riles Libu-libong pasahero ng PNR na-stranded

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong pasahero ng Philippine National Railways (PNR) ang naistranded at naperwisyo  matapos  maantala ang biyahe nito dahil  sumayad ang isang low-bed trailer truck sa riles ng train kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Base sa report,  naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling araw sa riles ng PNR,  panulukan ng  Osmeña highway at Don Bosco Street ng naturang  lungsod.



Nabatid  kay Edwin Ventura, crossing keeper ng PNR mula  Don Bosco, hanggang Pasay Road station lamang nakabiyahe ang train ng PNR at   mula naman  sa Tutuban   hanggang Magallañes EDSA Station lamang ang mga galing sa Alabang, Muntinlupa City na naging dahilan upang maistranded at maperwisyo  ang libu-libong pasahero na sumasakay at tumatangkilik sa train ng PNR.

 Nabatid na sumayad ang isang trailer truck na may kargang dalawang  drainage colbert box sa riles ng train.

 Umabot sa 22 biyahe ng PNR ang naapektuhan magmula alas-5:00  ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng umaga.


Kinailangang maglakad  ng dalawang kilometro ang mga pasahero sa Pasay Road Station galing Tutuban upang lumipat sa Magallanes EDSA Station  kung saan nila aantayin ang nag-iisang train na bumibiyahe mula Magallañes patungong Alabang at pabalik.
        

Bukod sa naabala at naperwisyo ang mga pasahero, nagdulot din ng trapik sa northbound ng Osmeña Highway  at umabot pa sa mahigit isang kilometro ang pila ng mga sasakyang pababa ng Don Bosco Exit mula sa Skyway dahil sa insidente.


Nabatid na mag-aalas-8:00 na ng umaga nang makapagpadala ng crane ang Makati Development Corporation,  na contractor ng construction site kung saan sana dadalhin ang mga drainage  colbert box  na karga ng sumayad na trailer truck. Dakong alas-8:15 ng umaga nang tuluyang maalis ang sumadsad na trailer truck.

ALABANG

DON BOSCO

DON BOSCO EXIT

DON BOSCO STREET

EDWIN VENTURA

MAGALLA

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with