MANILA, Philippines - Matapos na ianunsiyo na ipatutupad na sa darating na Lunes ang truck ban sa Maynila, mismong si Mayor Joseph Estrada din ang naghayag kahapon nang pansamantalang suspensiyon nito sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.
Kamakalawa ay sinabi ni Estrada na ordinansa na sa lungsod ang pagbabawal sa pagbibiyahe ng mga truck simula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa nasabing amended ordinance, maaari lamang makabiyahe sa Maynila ang mga truck sa mga araw ng Sabado, Linggo at holidays.
Ayon kay Estrada, sa halip na sa darating na Lunes, ipatutupad ang pinalawig na truck ban sa February 24 upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga nasa industriya ng trucking na makapag-adjust sa kanilang mga skedyul
Gagawa pa umano sila ng hakbang upang lalung maipaunawa sa mga stake holder ang kahalagahan at kabutihan umanong idudulot ng truck ban lalo na sa usapin ng pagpapaluwag ng daloy ng trapiko.
Una na ring nanindigan ang mga samahan ng mga truck owner at mga operator sa pangunguna ng Aduana Business Club IncorpoÂrated (ABCI), malalantad sa maÂlaking kahihiyan ang Pilipinas sa sandaling ipatupad ang ordinansa.
Nababahala rin ang ABCI sa malubhang epekto ng truck ban sa ekonomiya dahil babagal ang takbo ng negosyo dulot nang magiging limitasyon sa kanilang mga biyahe.