MANILA, Philippines - Naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Quezon kaugnay ng taunang pangongolekta ng bayad sa basura.
Ayon kay Supreme Court Public Information Office (SC PIO) Chief Theodore Te, ang TRO ay iniÂÂlabas ng Third Division laban sa garbage fee at socialized housing taxes bunsod na rin ng petisyon ng isang Jose Ferrer Jr. na inihain noong Enero 17.
Giit ni Ferrer, responsibilidad ng lokal na pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng basic services.
Imbes anya na ipataw sa mamamayan ang bayad sa pangongolekta ng basura, mainam na kunin na lamang ito sa property, business taxes at internal revenue allotment (IRA) share.
Nilinaw naman ni Te na hindi pa naipapalabas ang kopya ng resolusyon ng SC hinggil sa TRO.
Batay sa kautusan ng Quezon City, depende sa lawak ng lote ang ipapataw na taunang bayad sa baÂsura simula ngayong 2014.
Maglalaro ito sa P100 hanggang P500 para sa domestic households habang P25 hanggang P200 naman sa condominium at socialized housing units.