MANILA, Philippines - Iniharap na kahapon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez mister na responÂsable sa pagpatay sa kanyang misis at isa nilang anak dahil sa matinding selos kung saan ang bangkay ng kanyang mag-ina ay iniwan pa sa compartment ng kotse na ipinarada sa harap ng kanilang bahay sa nasabing lungsod.
Ito ay matapos na madakip noong Martes ng hapon sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan ang suspek na si Danilo Rafael Sr., 55.
Si Danilo Sr. ay umaÂming bumaril at nakapatay sa kanyang mag-ina na sina Fe Rafael, 54; at Danilo Jr., 18, noong nakalipas na Biyernes. Natunton ng mga pulis ang suspect sa pinagtaguan nitong hotel sa Tuguegarao City, Cagayan noong Martes ng hapon at nakumpiska dito ang isang caliber .45 at siyam na bala na siyang ginamit umano nito sa pagpatay sa kanyang mag-ina.
Ayon sa pulisya wala namang kaanak o kakilala si Danilo Sr. sa lugar kung saan doon lamang ito napadpad matapos itong sumakay ng bus matapos ang insidente. Isang impormante ang nakakilala dito at nagnguso sa suspek sa mga awtoridad.
Inamin ni Danilo Sr., na napatay niya ang kanyang mag-ina sanhi ng matinding galit at selos, dahil nakabasa siya ng text message sa cellphone ng kanyang misis mula sa lalaking pinagseselosan niya at nang kanyang usisain, agad aniya siyang pinagsusuntok nito.
Katwiran ng suspek, hindi niya plinano ang pagpatay sa kanyang mag-ina at self-defense lamang ang nangyari dahil habang nag-aaway silang mag-asawa, kumuha umano ng kutsilyo si Danilo Jr. at tangka siyang saÂsaksakin.
Kaya’t kumuha aniya siya ng baril at ipinutok sa anak bago isinunod ang misis at nataranta umano siya nang makitang duguan at nangingiÂsay ang mag-ina kung kaya kumuha siya ng unan at itiÂnapat sa ulo ng anak saka muÂling binaril hanggang mamatay.
Pagkatapos ng ginawa niyang pagpatay sa kanyang mag-ina sa kanilang bahay sa Maragondon, Cavite, inilagay niya ang mga ito sa compartment ng kanilang sasakyan at dinala ang mga ito sa harapan ng bahay ng mga magulang ng kanyang misis sa Timothy St., Multinational Village, BaÂrangay Moonwalk, Parañaque City at natagpuan ito noong Sabado ng madaling-araw.