3 sasakyan magkakasunod na kinarnap sa QC
MANILA, Philippines - Tatlong sasakyan ang kinarnap sa magkakahiwalay na lugar sa loob lamang ng ilang oras habang nakaparada sa tapat ng kani-kanilang mga tahanan sa lungsod Quezon.
Ayon sa ulat, ang mga sasakyan ay kinabibilaÂngan ng isang kulay puting 2013 Nissan Urban van na may conduction sticker na LE-4251; isang puting 1993 Honda Civic (XKZ-300); at isang kulay silver na MitsuÂbishi Strada (TXQ-359).
Sabi ng imbestigador, ang mga naturang saÂsakyan ay tinangay noong nakaraang Sabado at Linggo habang naka-lock at nakaparada sa harap ng tahanan ng mga may-ari.
Ganap na alas-5:40 ng umaga nang ang Urban ni Carmelita delos Reyes ay nadiskubreng nawawala habang nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa Union Civica St., Brgy. Sto. Niño. Sabi ni Delos Reyes, natutulog siya sa kanilang sala nang maÂgising sa ingay ng makina ng kanyang sasakyan.
Nang kanyang labasin para tignan ay nakita niya ang isang lalaki na pinaandar ang kanyang sasakyan at mabilis na itinakas papalayo sa lugar.
Bago ito, alas-4 ng madaling-araw nang tangayin naman ang Honda Civic ni Marc Apostol, 25, habang nakaparada rin sa harap ng kanyang bahay sa kahabaan ng Dr. Lascano St., Brgy. Sacred Heart.
Nadiskubre na lang ni Apostol na nawawala ang kanyang sasakyan pagÂlabas niya ng bahay.
Ilang oras makalipas ito, nang madiskubre ni Jonasser Bersamina, 32, ang kanyang sasakyang Strada na nawawala sa labas ng kanyang bahay sa MariÂveles St., Sta. Mesa Heights, Brgy. San Isidro.
Ang nasabing kaso ay hawak na ng mga opeÂratiba ng Quezon City Police District-Anti-Carnapping Unit sa Camp Karingal, para sa kaÂukulang desposisyon.
- Latest