Pulis, 4 pa kulong sa madayang timbangan

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang  pulis matapos malaman na sangkot sa madayang timbangan sa mga binebentang scrap metal sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Magkakasamang  dinakip sina SPO1 Noel Reyes, nakatalaga sa District Special Operation Unit at  apat na empleyado ng C-3 Weighing Services Inc. sa C-3, Caloocan City habang hinahanap pa ang isang Michael Navarro  na may-ari ng junk shop kung saan ibinebenta ang mga scrap na metal dito.

Sa reklamo ni Severo Bolo, 52, contractor ng demolition sa Divisoria Mall, noong Nobyembre 6, 2013 nagsimula silang magbenta ng mga bakal sa mga suspek.

Kamakalawa ng hapon ay nalaman nila na kulang ang timbang na tinatanggap kung saan nagiging mura ang bili ng nasabing junkshop.

Lumalabas na mahigit 400 tonelada ang napa­lusot ng mga suspek kung kaya nagreklamo na sila sa mga barangay tanod upang madakip ito.

Isang Chief Insp. Torio umano ang nagpakilala at nagrekomenda sa mga nag­re­reklamo at kay Navarro na nagsisilbing kanang kamay si
Reyes at ang huli rin umano ang nagsabing sa C-3 Road magpatimbang.

Halos kalahati ang nakukuha ng mga suspek sa bawat truck na dinadala sa na­sabing junkshop at nabuko  lamang ang pandaraya ng mga
ito  nang magpatimbang sila sa iba.

 

Show comments