MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice ng Taguig City Police laban sa pangasiwaan ng Forbeswood Heights Condonimium at Megaforce Security Agency na siyang nangangasiwa ng seguridad sa naturang condominium. Ito’y matapos na magmamatigas ang mga ito na makiÂpagtulungan sa pulisya kaugnay sa nangyaring insidente kay Vhong Navarro noong gabi ng Enero 22 sa loob ng naturang condo.
Noong Lunes (Enero 27) pa binigyan ng ultimatum ng Taguig City police ang pangasiwaan ng condominium at Security agency para isumite sa kanila ang kopya ng CCTV footage ng condo at logbook nito na mahalagang ebidensiya sa kanilang imbestigasyon ngunit hanggang kahapon ay paÂtuloy na nagmamatigas ang mga ito kahit na ilang beses na rin silang binigyan ng pagkakataon para isumite ang nabanggit na mga dokumento. Ayon kay Taguig City Police chief Sr. Supt Felix Asis, sapat na ang ibinigay nilang pagkakataon sa pangasiwaan ng condo at security agency para tumugon sa kanilang hinihinging dokumento ngunit tila wala itong planong makipagÂÂtuÂlungan.