^

Metro

15 bahay tupok sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na lumamon sa may 15 kabahayan sa San Jose sa San Francisco del Monte, lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Marites Baetiong sa 6 San Jose St., Brgy. San Antonio, San Francisco Del Monte, ganap na alas-11:15 ng umaga. Sa inisyal na im­bes­­tigasyon, ang  sunog  ay dulot ng napabayaang nilu­lu­tong pag­kain, gayunman iniimbestigahan pa nila ang naturang impormasyon.

Dahil gawa lamang umano sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay na rin ang katabing bahay nito.

Umabot sa ikalimang -alarma ang sunog, dahil nahi­rapan ang mga bumbero na makapasok sa mismong pinagmulan ng apoy, sanhi ng makitid na daan dito. Ganap na ala-1:13 ng hapon nang tuluyang ideklara ni Fernandez­ na fire out ang nasabing sunog.

Aabot naman sa 45 pamilya ang nawalan ng tirahan sa insidente na pansamantalang  tumutuloy sa covered court ng nasabing barangay. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

AABOT

JESUS FERNANDEZ

MARITES BAETIONG

SAN ANTONIO

SAN FRANCISCO

SAN FRANCISCO DEL MONTE

SAN JOSE

SAN JOSE ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with