‘Bugbog-holdap gang’ aktibo sa Maynila

MANILA, Philippines - Pasa sa iba’t -ibang bahagi ng katawan at putok sa ulo ang  natamo ng isang lalaki nang pagtulungang bugbugin ng  â€˜Bugbog-holdap gang’ sa Roxas Boulevard lungsod ng Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Mannan Muarip, ng MPD Station 9 ang biktima na si  Mon Ramon, 23, ng Malate, Maynila habang tinukoy ang umano’y mga nambugbog na sina Johnson Herrera, 17, James Ryan Garcia, 20 at Joey Soliven, 21.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente pasado alas-3:00 ng madaling-araw sa Harbor View Square, Roxas Boulevard kung saan umano gumimik ang biktima kasama ang apat na kaibigan.

Sa salaysay ng biktima, pauwi na umano silang magkakaibigan nang makasalubong ang grupo ng mga suspek at bigla na lamang umano siyang sinuntok sa panga, sa ulo at iba pang bahagi ng katawan na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ulirat.

Sinabi ng pulisya, modus na ng mga kabataan ang mambugbog sa nasabing gimikan at kapag nasa kasagsagan na ang gulo ay hoholdapin ang mga biktima.

Bukod pa rito, ginagawa rin umano ng ilang kabataan ang rambol-takas na sila-sila rin ang nag-aaway at sa sanda-ling magulo na ay tatakasan ang bayad sa kanilang nainom at pulutan.

Show comments