2 biktima ng salvage, natagpuan
MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon.
Pasado alas-6:00 ng umaga kahapon nang matagpuan ang isa sa bakanteng lote sa Marcos Compound sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Nakasuot ito ng shorts at asul na sando. Nakadapa at nakagapos ang kamay sa likod gamit ang isang tali na mistulang sintas ng sapatos.
May tama rin ito ng bala ng baril sa katawan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may anim na basyo ng balang natagpuan sa crime scene at posibleng doon mismo pinatay ang lalaki.
Una rito, isang salvage victim din ang natagpuan kahapon alas- 5 ng umaga sa may tapat ng gusali ng Phivolcs sa may CP Garcia sa Diliman sa nabanggit na lungsod.
Sinasabing ang biktima ay nakabalot sa isang garbage bag at natagpuan ng ilang rumorondang guwardiya ng University of the Philippines (UP) Diliman. Ito ay nakasuot ng dilaw na may mahabang manggas na pang itaas at naka-itim na shorts.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay nakadapa at nakagapos rin sa likod ang kamay nito pati na rin ang mga paa gamit ang packaging tape. Nilagyan din ito sa tabi niya ng karatulang nagsasaad ng mga katagang “Akyat bahay ako, ‘wag tularanâ€.
Hinihinala ng pulisya na patay na ito nang itinapon sa nabanggit na lugar dahil matigas na ang bangkay nang natagpuan ito.
Batay sa ulat, nagtamo ang biktima ng limang saksak ng ice pick sa kaliwang dibdib at may mga tattoo rin ito sa katawan na may mga pangalang “Reyâ€, “Reynaldo†at katagang “Batang City Jail†sa likuran nito.
- Latest